Son Is Searching For His Father, Rodrigo Navarro Rapatan

August 22, 2006 at 12:48 am | Posted in Uncategorized | 1 Comment

Dear Sir/Ma’am:

Good day to you! Ako po si Rodrigo M. Pelicano, taga Leyte. Ako po ay 24 taong gulang na. Nakita ko po ang address ninyo sa Internet. Alam ko pong hindi ito akma sa topic ng inyong column pero nagbabakasakali pa rin po ako na inyo po akong pagbibigyan.

Sumulat po ako sa inyo sa pagbabakasakaling kayo ang magiging daan kung paano ko mahahanap ang aking ama na nasa Mindanao, partikular po sa Cagayan de Oro City. Sa kasamaang palad hindi ko po batid kung saan siya eksaktong nakatira sa Cagayan.

Ilalahad ko po kung ano ang kwento sa likod ng aking pangalan. Ako po si Rodrigo at matagal ko nang hinahanap aking ama, mangyari pong naanakan lang po ang aking ina noong 1982 ng aking ama sa Cagayan nung nakapagtrabaho ang aking ina doon.

Noong pong nagkahiwalay sila ay hindi alam ng aking ama na nagsilang ang aking ina ng isang sanggol at ako po yon.

Ma’m/Sir, sana ay matulungan po ninyo ako sa aking problema. Ang tagal-tagal ko na pong hinahanap sa aking ama, subalit hindi ko alam kung saan ang tamang lugar o paraan o taong makakatulong sa akin.

Ang pangalan po ng aking ama ay RODRIGO NAVARRO RAPATAN. Umaasa po akong makikita ko pa siya. Mula ng ako ay isilang hindi ko pa po siya nakikita. Sana po maintindihan niyo po ang aking nararamdaman.

Wala po akong ibang hangad kundi ang makita at makilala siya. Kung sakaling may nakakakilala po sa aking ama ay maari po akong matawagan sa 0920-211-8971.

Maraming salamat po!Pakipanawagan naman po. I believe this is the best way in searching my father.

Thank you very much!

Gumagalang,

Rodrigo Pelicano
http://www.topix.net/forum/ph/zamboanga/T6GL2D3ITE3DR2OQ6

Advertisements

1 Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

  1. Wow! di po ako maka paniwala, dahil dito ay natag puan na ni Rodrigo Pelicano ang kanyang ama na simulat sapul na mag kaisip siya ay kanya ng hihanaphanap. Maraming paraan ang ginawa niya, matagpuan lamang niya ang kanyang ama, ngunit maraming beses din siyang nabigo. Ngayon araw naito ay naka takdang magkausap ang mag ama saunang pagkakataon,26 years muna ang nag daang panahon, bago mangyari and inaasam asam ni Eric o Rodrigo, jr pa naman siya sa kanyang ama. In behalf of my nephew, Rodrigo Pelicano, maraming salamat po The Mindanao Examiner, kayo po ang naging daan sa nakatakdang pag uusap. at pag kilala ng mag ama. Mangyari po kahapon lamang ng yari ito, at yong kapatid palang ni Rodrigo ang nakahanap nitong panawagan niya, sa kanyang ama!

    Lubos na nag papasalamat,
    Marie


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: