Langis Mula Solar 1 Tanker, Masisimot Na!

March 31, 2007 at 7:28 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

MANILA (Mindanao Examiner / 31 Mar) – Makukumpleto na rin sa wakas ang ang paghigop ng mga nalalabing langis na tumagas buhat sa Solar I tanker sa Guimaras island sa loob ng susunod na Linggo.

Ito ang kinumpirma sa Mindanao Examiner ni Office of Civil Defense administrator retired General Glen Rabonza. Una nang pinasimulan noong Enero ang oil recovery operations dahil na rin sa inaasahang magandang panahon para mabilis na maisakatuparan ito.

Ayon kay Rabonza, kasunod ng paglinis ng mga langis, pasisimulan naman ang rehabilitasyon ng mga apektadong lugar sa isla.

Sa mga nakalipas na araw, kaunting langis na lamang ang nakukuha ng Allied Shield ng Italya na nangangahulugan na malapit na ring tuluyang maubos ang oil spill.

Gumastos na rin ng multi-milyong piso ang International Oil Pollution Compensation Funds (IOPC) para sa siphoning ng oil spill sa naturang lalawigan. (Juley Reyes)

Advertisements

Women’s Group Ends Int’l Celeb With Medical Missions In South RP

March 31, 2007 at 7:20 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

DAVAO CITY – The Gabriela Women’s Party ended Saturday the International Women’s Month celebration with two simultaneous medical missions in Davao City and Davao del Sur province in southern Philippines.

The humanitarian missions were held in poor communities in Matina Crossing in Davao City and in Sta. Cruz town in Davao del Sur.

The group organized the medical missions to culminate the International Women’s Month in order to highlight the health issues of women, it said in a statement sent to the Mindanao Examiner.

The Gabriela party list said women health, among others, is oftentimes sacrificed by Filipino mothers to give way to other needs of their families.

Some 100 women participants attended the two missions.

“Good Work!” Ani PGMA Sa Metro Troops!

March 31, 2007 at 6:42 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 31 Mar) – Pinaboran diumano ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang operasyon ng militar sa Metro Manila sa harap ng lumalaking batikos ng mga residente at militanteng grupo kontra Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nabatid ito kay AFP National Capital Region Command Chief Major General Mohammad Dolorfino kasunod ng pagbisita sa detachment ng militar sa Baseco, Tondo, Maynila kaninang umaga. “Congratulations and keep up the good work,” ayon kay Dolorfino na sinabi umano ng Pangulong Arroyo sa kanila.

Wala rin umanong nabanggit ang Pangulo hinggil sa pag-alis ng tropa ng mga sundalo sa Kalakhang Maynila.

Sinamahan pa ang Pangulo nina Defense Secretary Hermogenes Ebdane Jr., Armed Forces Chief of Staff General Hermogenes Esperon at Army Chief Lieutenant General Romeo Tolentino sa pag-ikot sa mga proyekto ng militar sa Metro.

Matapos lumisan ang Pangulo ay pinasinayaan sina Ebdane, Esperon, at Tolentino ang itinayong palikuran ng mga sundalo sa Isla Puting Bato.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Dolorfino na nilalayon ng militar na tuluyang mapilayan ang mga komunista sa pamamamagitan ng pagtulong para mapagaan ang buhay ng mga mahihirap.

“Using military force is not enough. The real solution is at the root of the problem – poverty,” punto ni Dolorfino.

“What we are doing is to make the CPP-NPA irrelevant. If there are no problems in the communities, they will die a natural death,” dagdag pa nito. Subali’t muntik nang mapahamak ang isang babae matapos na ito’y mapagkamalang miyembro ng hit squad ng New People’s Army sa Tondo, Maynila kanina rin.

Inakala ng mga nagpapatrulyang sundalo na tattoo ang tuldok ng bolpen sa pisngi ng isang 42 anyos na babae, isang palatandaan ng mga komunista noong 1980s.

Katwiran ng babaeng tumangging magpatukoy ng pangalan, nakuha na ang tinta ng bolpen sa mukha habang nakikipaglaro sa kanyang mga pinsan.

Nang lumabas siya ng bahay ay tinanong ito ng mga sundalo hinggil sa pagkakaroon ng marka sa mukha. Hindi na aniya nagpumilit ang militar nang kanyang ipaliwanag ang pinagmulan ng tuldok sa mukha.

“Hindi ko alam kung ano ang ibig nilang sabihin pero sinabi ko sa kanila (mga sundalo) na mga pinsan ko ang naglagay nito nung naglalaro kami,” sumbong pa ng babae sa pahayagang Mindanao Examiner.

Bagamat nasita ng mga sundalo, pabor pa rin ang babae sa deployment ng militar sa kanilang lugar. “Mas matahimik nga ngayon dito. Wala ng magnanakaw at adik,” dagdag nito. (Juley Reyes)

Photo: The Dilangalens And The Semas

March 30, 2007 at 10:00 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

Partido ng Masang Pilipino (PMP) Cotabato City mayoralty candidate Bai Zendig Dilangalen and husband, congressional aspirant Digalen Dilangalen file their candidacies at the Commission on Elections in Cotabato City in southern Philippines Thursday, 29 Mar 2007. While LAKAS Christian Muslim Democrats (CMD) re-electionist Cotabato City Mayor Muslimin Sema and wife Bai Sandra Ampatuan Sema, who is seeking a seat for the lone district of Shariff Kabunsuan province, pose with election officer Alen Mangelen and other candidates. (Mindanao Examiner Photo/Mark Navales)

Woman Gets 20 Years For Pimping Teener In South RP

March 30, 2007 at 6:15 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

DAVAO CITY (Mindanao Examiner / 30 Mar) – A Philippine court convicted a woman for pimping a teenager in Davao City on the southern island of Mindanao.

Judge Wenceslao Ibabao sentenced Lucita Magnifico to 20 years in prison after finding her guilty of the violating the country’s Child Abuse Law.

Magnifico, a street hawker, had offered the 17-year old victim to her clients in exchange for money in various occasions in 2005.

The teenager testified against the woman that prostitutes call Ate Luz and told the court that she was offered to different men who wanted to have sexual favors in exchange for some money.

She said the woman paid her some money as commission for the sex, but she later sought the help of the police and filed charges against Magnifico.

Prostitution is rampant in southern Philippines. (Romy Bwaga)

Photo: Philippine Marines Guard Basilan Pier

March 30, 2007 at 4:07 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

Members of the Philippine Marines guard the pier in Isabela City in Basilan island off Zamboanga City. Marines have taken over Philippine Army forces on the island. (Mindanao Examiner Photo/Mark Tia)

Pagsibak Sa Manila Police Chief, Hinarang Ng PNP!

March 30, 2007 at 3:49 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

MANILA (Mindanao Examiner / 30 Mar) – Hinarang ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang pagsibak kay Manila Police District Director Senior Superintendent Danilo Abarsoza kasunod ng mga naging kapalpakan sa hostage crisis sa Maynila.

Sa pulong balitaan, sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Calderon na hiniling nito kay Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno ang pagpapaliban sa administrative relief na iniatas para kay Abarsoza.

Katwiran ng heneral, makabubuting bigyang-daan muna ang pagsisiyasat ng inatasang grupo sa naganap na insidente at nang makapagpaliwanag si Abarsoza sa sinasabing procedural lapses sa pangangasiwa ng hostage drama.

Masyado aniyang kritikal ang posisyon ni Abarsoza upang basta na lamang tanggalin sa posisyon.

Pumayag naman kanina si Puno na ipagpaliban muna ang pagsibak kay Abarsoza.
Gayunman, nilinaw ni Puno na hindi pa rin tuluyang ligtas sa pananagutan si Abarsoza dahil magpapatuloy ang imbestigasyon sa kanya nang pumalpak sa pangangasiwa ng 10-oras na hostage drama.

Pinagbigyan ni Puno ang kahilingan ni Calderon para sa deferment sa katwirang nasa kalagitnaan ng panahon ng eleksyon at maaaring masira ang implementasyon ng security plan sa Maynila.

“Upon the request of PNP Chief Calderon in a letter to me, I have deferred the order to relieve Senior Supt. Abarsoza considering that we are now in the middle of an election season and Abarsoza is already in the midst of implementing his security plan for this critical period.”

“We will give him a chance to air his side in connection with his handling of the hostage situation,” ani Puno.

Subalit, tuloy naman ang naunang direktiba ni Puno na pag-alis sa puwesto kina MPD Station 5 commander Superintendent Rogelio Rosales at police precinct commander Chief Inspector Bernardo Cubacub.

Kasabay nito, pinatatahimik rin ni Puno ang mga opisyal ng pulisya sa pagbibigay ng komento sa naturang isyu at hayaang matapos ang imbestigasyon ng panel na pinamumunuan ni Deputy Director General Avelino Razon.

Iniutos nnaman ni Calderon ang pagsasailalim sa retraining ng lahat ng mga tauhan ng MPD hinggil sa hostage crisis management.

Matapos ang MPD ay isusunod na rin ang iba pang kapulisan sa Metro Manila at sa buong bansa.

Handa naman si PNP National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Reynaldo Varilla na maimbestigahan sa anumang posibleng pananagutan sa naganap na hostage crisis.

Si Varilla ang maituturing na pinakamataas na opisyal ng PNP na nasa lugar ng insidente ng panghohostage subalit nabigo umano itong ma-organisa ang krisis at nagkaroon pa rin ng maraming kapalpakan.

Iniligtas ni Varilla si Abarsoza na aniya’y naging maayos naman ang pangangasiwa nito sa naturang pangyayari at ang mga isasagawang pagsisiyasat ay hindi naman nangangahulugan na kailangang magdiin ng opisyal. (Juley Reyes)

Abu Spy Gets P1 Million Bounty!

March 30, 2007 at 2:13 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

Western Mindanao Army chief Lt. Gen. Eugenio Cedo hands over Friday 30 Mar 2007 one million pesos reward money to a masked Abu Sayyaf informant who helped the Philippine military capture a sub-leader of the militant group, Abdullah Mohammad, in November 2005 in Zamboanga City, as Army Col. Pedro Ancanan looks on. Mohammad is implicated in the kidnapping of US missionary couple Martin and Gracia Burnham and California tourist Guillermo Sobero in a posh island resort in Central Philippines. Martin and Guillermo were later killed by the Abu Sayyaf group tied to Al-Qaeda terror network. (Mindanao Examiner Photo Service)

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / 30 Mar) – The Philippine military on Friday rewarded an informant with one million pesos for helping security forces capture a notorious Abu Sayyaf sub-leader implicated in the kidnapping of three American citizens seven years ago.

“More and more people are providing us vital information about the terrorists. And those who are helping us will be rewarded accordingly,” Lieutenant General Eugenio Cedo, chief of the Western Mindanao Command, told the Mindanao Examiner.

The masked informant did not speak to journalist and was whisked away by intelligence agents escorting him at the military base in Zamboanga City after receiving the money.

The United States also rewarded $2,500 to the same informant last month for the capture of Mohammad, who is included in Washington’s terror lists.

Cedo said the Philippine government provided the money as reward for the capture of Abdullah Mohammad, who was tracked down by troops in the village of Ayala in Zamboanga City.

The military implicated Mohammad in the 2000 kidnapping of Kansas missionary couple Martin and Gracia Burnham and California man Guillermo Sobero and 17 other Filipino holiday-makers at the posh Dos Palmas resort in the central Philippine province of Palawan.

He was also linked to the kidnappings of dozens of people in Basilan island off Zamboanga in 2000, where 11 hostages had been beheaded.

Washington listed the Abu Sayyaf as a foreign terrorist group and offered as much as $5 million bounty for the capture of its known leader.

The Abu Sayyaf is said to be coddling Indonesian and Malaysian Jemaah Islamiya bombers in the southern Philippines.

Just this week, U.S. Secretary of State Condoleezza Rice has authorized a new reward of up to $5 million for information leading to the arrest or conviction of Zulkifli bin Hir alias Marwan, a terrorist believed to be involved in multiple deadly bomb attacks in the Philippines.

Zulkifli bin Hir has been added to most-wanted list of the Rewards for Justice Program, administered by the Department of State’s Bureau of Diplomatic Security.Zulkifli bin Hir is a Malaysian citizen born in 1966 in Muar, Johor.

An engineer trained in the United States, he allegedly heads the Kumpulun Mujahidin Malaysia (KMM) terrorist organization and is a member of Jemaah Islamiyah’s central command.

The U.S. State Department said he has been present in the Philippines since August 2003, where he is believed to have conducted bomb-making training for the Abu Sayyaf.

His younger brother, Taufik bin Abdul Halim, Dany, was involved in the 2001 Jakarta Atrium Mall bombing, and currently is in detention in Indonesia. (Mindanao Examiner)

Militar, Nabahag Ang Buntot!

March 29, 2007 at 9:35 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

MANILA (Mindanao Examiner / 29 Mar) – Mistulang nabahag ang buntot ng militar matapos na sabihan ng Malakanyang na kailangan ng tanggalin ang mga sundalo sa lansangan ng Metro Manila.

Bagama’t unang nagmatigas ang militar sa panawagan ng mga militanteng grupo at oposisyon ay tila tiklop naman ito sa kagustuhan ng nasa Palasyo matapos na mismong si Executive Secretary Eduardo Ermita ang nagsabing dapat na lagyan ng timeline ang unti-unting pull-out ng tropa sa Metro.

Ngunit mabilis naman na itinanggi ng Armed Forces at Defense Department na sunod-sunuran ang mga ito sa kagustuhan ng administrasyong Arroyo.

Nagkataon lamang umano na magtatapos ang ilang proyekto ng Armed Forces sa Metro Manila kung kayat maaaring magkaroon ng pagsamantalang pag-pull out sa mga sundalo nito sa Mayo ng kasalukuyang taon.

Katwiran ito ngayon ni AFP Chief of Staff General Hermogenes Esperon, Jr. na aniya’y ang pag-aalis ng puwersa ng militar sa Kalakhang Maynila ay nakadepende sa assessment ng National Capital Region Command (NCRCom).

Bago ang halalan aniya ay maaaring makumpleto na ang konstruksyon ng mga day care centers at pampublikong palikuran na tinatrabaho sa kasalukuyan ng mga sundalo sa mga barangay.

Aminado si Esperon na may mga plano na ring tuluyang tapusin ang mga aktibidad sa Metro Manila.

Gayunman, nilinaw ni Defense Secretary Hermogenes Ebdane Jr., na ang balaking pag-pull out sa troop deployment ay hindi pagsunod sa hirit ni Ermita na magtakda ng timeline ang AFP para tuldukan ang mga proyekto.

“Ermita’s statements are always misquoted. He asked the military to consider a timeline, not to set a timeline,” ani Ebdane.

“He is leaving the up to the AFP and the defense department. There is a review and the decision will come from the chief of staff. He does not want to micro-manage,” dagdag nito.

Samantala, binalingan naman ni Esperon ang pagbanat na isasagawa ng Europa hinggil sa usapin ng extrajudicial killings sa Pilipinas.

Sinabi ni Esperon na hindi makatarungan ang pahayag ni United Nations rapporteur Philip Alston na nagbabalang mawawalan ng international support ang bansa kung mabibigong tapusin ang mga political killing.

Sa una pa lamang aniya, matapos na tulungan ng AFP ang UN rapporteur sa imbestigasyon nito ay nakatikim na ng pagkastigo at pagdidiin ang militar.

Ayon kay Esperon, nabigo si Alston na bigyang-pahalaga ang matinding pagsusumikap ng gobyerno na matuldukan ang mga pagpaslang ng militante at mamamahayag.Hindi rin aniya dapat pinanghihimasukan at binibigyan ng maling interpretasyon ang operasyon ng militar laban sa insureksyon.

Una nang inilantad ni Alston na “Order of Battle” approach ang paraan ng kampanya ng AFP kontra komunismo kung saan ay maaaring magbigay-daan sa pagpapatumba ng mga maling kalaban sapagkat nakabase lang na intelligence ang impormasyon.

Maliwanag rin umano na sa counter-insurgency campaign ng gobyerno ay bukas o nakakatulong pa para maging lehitimo ang extrajudicial killings.

Ngunit, para kay Esperon, hindi kinukunsinti ng AFP ang ilegal na pagpaslang at sa katunayan ay mga kaukulang imbestigasyon at prosekusyon ang kanilang hanay sa mga suspek sa extrajudicial killings. (Juley Reyes at Chris Navarra)

WB Approves $83-M Loan For Mindanao Projects

March 29, 2007 at 9:29 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

CAGAYAN DE ORO CITY (Mindanao Examiner / 29 Mar) – The World Bank has approved a $83.752-million loan for Philippines to finance the second phase of a four-part program called the Mindanao Rural Development Project (MRDP2).

The program is aimed at improving food security on Mindanao Island, south of Manila. It is expected to benefit over 200 towns and more than two dozen provinces.

The World Bank said the second phase of the project will improve the delivery of services to the agriculture and fisheries sector, making sure that production increases to ensure food security.

“MRDP2 encompasses strong approaches related to community-driven development which will help promote the active and continued participation of indigenous peoples and other disadvantaged groups in the development process,” said World Bank country director for the Philippines Joachim von Amsberg.

The program will also pilot test a performance-based grant scheme aimed at spurring local government units into developing infrastructure in their areas, according to a report Thursday of the Philippine News Agency.

“Almost a third of the country’s poor live in Mindanao. We hope that with this project, Mindanaoans (inhabitants of the island) will experience greater economic and integration opportunities, particularly to indigenous communities and other disadvantaged groups,” Filipino Agriculture Secy. Arthur Yap said.

The Department of Agriculture is overall executing agency of the development program and local government units as implementer of sub-projects.

The first phase of the development project was completed in 2004. It covered five provinces and 32 municipalities in Mindanao.

Its third phase, which has yet to receive funding, aims to deepen the program by making sure that all eligible municipalities in Mindanao will be covered. The fourth phase intends to secure the sustainability of the development initiatives. (With a report from Mindanao Examiner)

Next Page »

Create a free website or blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.