AFP Handa Ng Bitiwan Si Trillanes

June 20, 2007 at 1:11 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

Ang pasasalamat ni failed coup leader at ngayon ay senator-elect Antonio Trillanes na makikita sa website ng Magdalo Para Pagbabago.

 

QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 20 Jun)- Handa na ang liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na alisin ang kustodiya nito kay Senator Antonio Trillanes IV na kasalukuyang nakaditine sa Philippine Marines headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig dahil sa bigong coup nuong 2003.

 

Ayon kay AFP Chief of Staff General Hermogenes Esperon, Jr., sumulat siya kay Makati Regional Trial Court branch 148 presiding judge Oscar Pimentel upang pagpasyahan kung mananatili sa militar ang pangangalaga kay Trillanes.

 

Ipinunto ni Esperon na kailangang malinaw sa mababang hukuman kung nanaisin pa nitong maipagpatuloy ang ibinigay sa kanila na custodial authority sa senador sa harap na rin ng mga kontrobersyang sumulpot hinggil sa nasabing usapin.

 

“I am writing honorable Oscar Pimentel, clarifying with him whether he wants me to continue having the custodial authority over Senator Trillanes, as he gave me.If he wants, I can continue. If he doesn’t, he has just to rule and I will follow the official ruling,” ani Esperon.

 

Aminado ang heneral na problemado ito sa isyu ng kustodiya kay Trillanes at gustong pagbigyan ang mga hirit ng dating junior officer partikular ang makadalo sa sesyon at trabaho ng Senado ngunit kailangan naman niyang protektahan ang mandato at regulasyon ng militar at General Court Martial kung saan ay may kinakaharap rin na kaso ang senador.

 

“This is my dilemma as chief of staff. Gusto kong largahan ang kanyang pagnanais. We know he can accomplish many things. But I also want protect the interest of the AFP, including the people in the GCM,” ayon kay Esperon.

 

“I just want to say that I am just an implementer of laws. I am not an interpreter, neither do I make laws,” dagdag nito.

 

Si Trillanes kasama ang 30 pang sundalo ay may kasong kudeta sa Makati RTC bukod pa sa paglabag sa Articles of War 96 (conduct unbecoming an officer and a gentleman) sa military court.

 

Gayunman, nagpasakalye si Esperon na kung mananatili ang detensyon kay Trillanes sa kanilang hurisdiksyon ay mapapayagan naman ang senador na tumungong Senado ngunit dapat na may karampatang pahintulot. (Juley Reyes)

Advertisements

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: