Heneral, Opisyal Sabit Sa Bigong Coup, Hindi Palalayain!

June 20, 2007 at 5:44 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

MANILA (Mindanao Examiner / 20 Jun) – Malabong mapalaya ang mga heneral at iba pang opisyal ng militar na sangkot sa bigong planong kudeta noong Pebrero 2006 matapos na tanggihan ito mismo ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief, General Hermogenes Esperon, Jr.

Ito’y sa harap ng pagkapanalo ni dating Navy Lieutenant Seniorgrade Antonio Trillanes IV bilang senador. May naunang pahayag ito na tutulungan ang mga nakapiit sa paratang na kudeta upang mapalaya.

Mahigit isang taon nang nakakulong ang grupo ni dating Marine commandant Major General Renato Miranda, dating Army Scout Ranger chief Brigadier General Danilo Lim at Marine Colonel Ariel Querubin kasama ang iba pang mga tauhan nito dahil sa sinasabing balak ng pag-agaw sa kapangyarihan ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Binigyang-diin ni Esperon na may proseso ang marapat na masunod sa ilalim ng umiiral na mga probisyon ng hustisyang miliitar.

Makakalaya lamang aniya ang mga coup plotter kung malilinis ang mga ito sa mga kaso o napagsilbihan na ang kaparusahan.

Kasalukuyang dinidinig ng special General Court Martial sa pamumuno ni Southern Luzon Command (Solcom) Chief Lieutenant General Alexander Yano ang mga kasong paglabag sa Articles of War nina Miranda, Lim at Querubin.

” We now have the General Court Martial which is proceeding against them and have taken jurisdiction over them, so by the provision of the Articles of War, it simply has to go on, the military justice system will go on,” ani Esperon.

Hindi naman nababahala si Esperon sa anumang plano ni Trillanes para mailigtas ang grupo nina Miranda, Lim at Querubin hanggat maidadaan ito sa legal na proseso. (Juley Reyes)

Advertisements

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: