OPINION

June 26, 2007 at 11:14 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

WENDY NG PINOY BIG BROTHER, NASALBA NA NAMAN! Ni Broohang Jokla


MANILA (Mindanao Examiner / 26 Jun) – Lalong nadismaya ang mga nag-abang ngayon sa eviction night sa loob ng Pinoy Big Brother house matapos na, sa panagalawang pagkakataon, ay nasalbang muli si Wendy.

Halos gigil na gigil ang mga tao sa galit ng bangitin ni Tony Gonzaga, ang host ng PBB show, ang pangalan ni Wendy. Maririnig ang mga sigawan at boo at ang mga iba naman ay may mga dalang kamatis na ibabato sana kay Wendy sa kanyang paglabas, ayon pa sa isang fan naman ni Gee-Ann.

“Maldita at sakim” naman ang bansag ng mga galit kay Wendy dahil sa masamang ugali nito sa loob ng bahay ni Kuya.

Inaway kasi ni Wendy sina Gee-Ann at Beatriz dahil sa gahamang hangarin na manalo sa PBB at makuha ang malaking premyo, kabilang na ang isang bagong bahay.

Humagulgul naman sa iyak ng husto si Wendy ng marinig kay Tony Gonzaga na ang nobyong si Bruce ang siyang napalabas ng bahay. At feeling naman ni Bruce na siya ang iniitakan ni Wendy, ngunit sa maraming nakapanoob ng PBB ay iisa ang nasa isipan – ang pagiyak ni Wendy ay sa kadahilanang hindi nito akalain na masasalba pa sa pangalawang pagkakataon.

Sumobra naman ang pagka-over acting ni Bruce dahil hindi pa man nababangit ni Tony Gonzaga kugn sino ang lalalabas ay nauna na itong umiyak kay Wendy.

Maging ang talent manager na si Alfie Lorenzo, sa kanyang naunang kolum sa Abante, ay pulos negatibo ang isinulat ukol kay Wendy at patunay lamang ito na maraming galit sa patpatin.

Ang forecast ng marami ay posibleng sina Mickey at Beatriz ang isa sa mananalo sa big night. (Showbiz Chizmis ng Broohang Jokla)

Advertisements

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: