Kontaminadong Gatas Nasa Pamilihan Pa Rin?

July 3, 2007 at 2:18 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

CEBU (Mindanao Examiner / 03 Jul) – Sa kabila ng kautusan ng pamahalaan na tanggalin ang ilang mga produkto ng Wyeth na umano’y kontamindao mula sa pamilihan sa buong bansa ay patuloy pa rin diumanong nakikita sa maraming lugar sa Visayas ang mga infant formula nito.

Ipinag-utos ng Bureau of Food and Drugs na tanggalin ang mga canned infant milk matapos na matagpuan ang mga lata nitong may kalawang, partikular ang mga lumabas o gawa mula Mayo 23 hanggang Hulyo 26 nuong nakaraang taon at mga productkong may Lot No. 172.

Sinabi naman ng Department of Health sa Visayas na walang mga kontaminadong infant milk sa mga supermarkets at drug stores sa Cebu, taliwas sa mga nagkalat na balita.

Ngunit posibleng nasa mga tindahan at parmasya ang ibang Wyeth products. Kabilang sa mga ipinag-utos ng BFAD na tanggalin sa pamilihan ay ang Bonna, Promil, Bonakid, Bonamil at Progress Gold.

Sinurado naman ng Wyeth na nakikipagtulungan ito sa BFAD at DOH upang maialis ang mga depektibong produkto at sa katunayan umano ay naglabas rin ito ng Telephone Hotline 02-8199384 at ang Toll Free 1800-10884-2222 upang tugunan ang anumang katanungan o reklamo ukol sa mga gatas nito. (Mindanao Examiner)

Advertisements

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: