PECOJON Magdaraos Ng Seminar Sa Mindanao

July 3, 2007 at 11:38 am | Posted in Uncategorized | Leave a comment

NEGROS (Mindanao Examiner / 03 Jul) – Isang peace journalism seminar na naman ang ilulunsad ng tanyag na German video-journalist na si Antonia Koop para sa mga Pilipinong mamamahayag sa Mindanao.

Mula sa Bacolod ay magtutungo si Koop, isa sa mga founder ng international organization na PECOJON o Peace and Conflict Journalism Network, sa Davao City upang mabigyan ng seminar ang inaasahang tatlong dosenang mga Pinoy journalists.

Layunin umano ng PECOJON na makatulong sa mga mamamahayag sa buong mundo sa responsableng paguulat ng mga ito at mga hakbang na dapat gawin sa oras ng peligro dahil sa kanilang trabaho.

Ilang ulit na rin nagsagawa ng seminar at training si Koop sa ibat-ibang lugar sa bansa – mula Luzon hanggang Mindanao – ay narating na ng grupo nito.

Nuong nakaraang buwan ay sa Cebu isinagawa ang tatlong araw na seminar na dinaluhan ng ilang dosenang reporters mula sa Mindanao, Visayas at Luzon. Libre ang seminar dahil suportado rin ito ng InWent, isang malaking organisasyon sa Germany.

Sa kabila ng travel advisory ng mga ibat-ibang embahada sa bansa ay mistulang walang takot naman si Koop sa kanyang adbokasiya. Matagal na nag-cover si Koop sa magulong bansa ng Israel at Palestinian. (Mindanao Examiner)

Advertisements

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: