Dagdag Siguridad, Inilatag Sa Mindanao Sa Pagdating Ni PGMA

July 8, 2007 at 9:41 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

MAGUINDANAO (Mindanao Examiner / 08 Jul) – Nagdagdag ng siguridad ang militar at pulisya sa Mindanao dahil sa pagbisita ni Pangulong Gloria Arroyo sa Lunes bilang bahagi ng pagiikot nito at isasagwang anti-terror summit.

Isang pampasaherong bus ang binomba Sabado ng hapon sa Koronadal City sa South Cotabato province. Mataas ang banta ng terorismo sa Mindanao na kung saan ay nakatakda rin magtungo si US Ambassador Kristie Kenney sa Maguindanao upang bumisita sa mga lugar na kung saan ay may proyekto ang kanyang bansa.

Hindi naman naglabas ng detalye ang Malakanyang sa mga lugar na pupuntahan ni Arroyo maliban sa Cagayan de Oro. Isasakatuparan na kasi sa susunod ng linggo ang implementasyon ng Human Security Act of 2007 o ang Anti-Terrorism Law ng bansa.

Sumambulat ang likuran ng bus na pagaari ng YBL sa isang terminal dakong alas 5.35 ng hapon matapos na makababa ang mga pasajero nito. Galing sa Tacurong City sa Sultan Kudarat province ang naturang bus, ayon sa mga awtoridad.

Walang umako sa atake at ayaw sabihin ng pulisya at militar kung may kinalaman ang pagsabog sa Abu Sayyaf at Jemaah Islamya. Pinasabugan ang bus kasabay rin ng banta ng mga trabahador ng YBL na magwe-welga dahil sa lumalalang labor dispute.

Nuong nakaraang buwan lamang ay isang bus rin na pagaari ng Weena Bus Lines ang pinasabugan sa terminal sa bayan ng Bansalan sa Davao del Sur province.

Nagbabala ang mga mga foreign embassies sa kanilang mga nationals na huwag magtutungo sa Mindanao at Sulu Archipelago dahil a matinding banta ng terosimo at kidnappings for ransom.

Patuloy ang opensiba ng militar kontra Abu Sayyaf at Jemaah Islamiya sa katimugan at isang Italian Roman Catholic priest na si Giancarlo Bossi ang dinukot ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front nuong June 10 sa Zamboanga Sibugay province. (Mindanao Examiner)

Advertisements

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: