12 Magdalo Leaders, Umamin Na Sa Kasalanan

July 10, 2007 at 3:30 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

MANILA (Mindanao Examiner / 10 Jul) – Umamin sa kasalanan ang 12 lider ng Magdalo hinggil sa pagkakasangkot nila sa nabigong kudeta noong Hulyo 2003.

Mahaharap sa parusang dishonorable dismisal sa serbisyong militar ang 12 opisyal kasunod ng kanilang paghahain ng guilty plea sa kasong paglabag sa Artircles of War 96 (conduct unbecoming of an officer and a gentleman) sa pagdinig ng General Court Martial kanina.

Kabilang sa 12 opisyal na ito ay sina Army Captains Gerardo Gambala, Milo Maestrecampo, Lawrence Luis Somera, Albert Baloloy, John Andres, Florentino Somera, at Alvin Ebreo, gayundin sina First Lieutenants Cleo Donga-as, Audie Tocloy, Von Rio Tayab, Rex Bolo, at Brian Yasay.

Sinabi ni court president, Brigadier General Nathaniel Legaspi, na isasapormal nito ang pagbaba ng hatol sa mga akusadong Magdalo sa susunod na pagdinig na hindi pa naitatakda ng military court.

Katwiran ni Legaspi, kailangan nilang maging maingat sa magiging promulgasyon batay sa naging takbo ng paglilitis kanina.

“We have to be very careful. There are a lot of inputs today. We have to sort it out before we promulgate your sentence,” ani Legaspi.

Ang 12 ay kabilang sa 29 junior officers na may kinakaharap na paglabag sa AW 96. Ngunit hindi nakisali sa pumasok sa special plea na ito ang mga lima pang Magdalo leader na kinabibilangan nina Senator Antonio Trillanes IV at Marine Captain Nicanor Faeldon na kapwa hindi sumipot sa hearing. (Juley Reyes)

Advertisements

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: