Palpak Na U.S. Mortar, Iimbestigahan Ng Marines

July 13, 2007 at 4:53 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

MANILA (Mindanao Examiner / 13 Jul) – Bubusisiin ng Philippine Marines ang naging pagpalpak ng ilang mortar na umano’y galing sa Estados Unidos habang nasa kasagsagan ng pakikipaggiyera sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Basilan.

Sinabi ni Philippine Marine Corps spokesman Lieutenant Colonel Ariel Caculitan na bagamat prayoridad nito ang pagtutugis sa mga sumalakay sa tropa nito, mahalaga ring maungkat ang sanhi ng pumalyang mortar ng militar.

“On the level of the AFP, this will be addressed and our primary concern is to ensure that our weapons are working properly and that we are efficient in combat,” ani Caculitan.

Magugunitang labing-apat na Marines, kung saan ay sampu ang napugutan ng ulo, sa naturang engkuwentro.

Inihayag naman ni AFP spokesman Lt. Col. Bartolome Bacarro na batay sa lot number ng mga pumalpak na mortar, natunton na nagbuhat ito sa Estados Unidos, ngunit hindi niya matiyak kung binili ito o donasyon lamang.

Sinabi ni Bacarro na posible ngang hindi pumutok ang isang mortar ngunit imposible nang makailang ulit ang pagpalya nito.

Zero-defect aniya ang nasabing mga mortar subalit posibleng nagkaroon ito ng damage nang dalhin ng mga sundalo sa field na bukas sa ibat-ibang epekto ng kalikasan.

Ang bawat mortar ay nagkakahalagang $134 kada isa at may fuse na aabot naman sa $150.
Samantala, inatasan na ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Acting Defense Secretary at National Security Adviser Norberto Gonzales na madaliin ang full implementation ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay Gonzales, pinag-aaralan na nito kung paano maipatutupad at mapopondohan ng mabilis ang pagbili ng mga makabagong kagamitang pandigma ang militar.

Ayaw ng kalihim na gumamit pa ang mga sundalo ng mga segunda-mano o donasyong gamit mula sa ibang bansa sapagkat buhay ng mga tauhan ng AFP ang nakataya o nalalagay sa alanganin.

Ipinag-utos rin ni AFP chief General Hermogenes Esperon Jr., ang suspensyon sa paggamit ng libu-libong rounds ng 81-milimeter mortar nito habang iniimbestigahan ang pagkakapalya ng mga bala sa kasagsagan ng giyera ng Philippine Marines sa MILF.

Binigyang ni Esperon ang investigating team sa pamumuno ni Brigadier General Henry Galarpe, deputy Armed Forces Inspector General, ng pitong araw upang tapusin ang pagbusisi nito maging sa mga nangyari sa engkuwentro. (Juley Reyes)

Advertisements

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: