Peace Talks Sa MILF, Namimiligro Na Dahil Sa Basilan Clash!

July 13, 2007 at 7:10 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

Si Philippine Marines chief Maj. Gen. Nelson Allaga habang nakatitig sa labi ng mga sundalong napatay ng Moro Islamic Liberation Front sa Basilan province. (Mindanao Examiner Photo Service)

BASILAN (Mindanao Examiner / 13 Jul) – Nagmatigas kahapon ang pamahalaan na dapat pagbayaran ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Abu Sayyaf ang pagpatay sa 14 na sundalo sa lalawigan ng Basilan.


Sampu sa mga napatay ay pinugutan ng ulo at ang iba naman ay tinanggalan pa ng ari ng mga rebeldeng MILF at militanteng Abu Sayyaf sa labanan nanaganap nuong nakaraang Martes sa bayan ng Al-Barka.


Naunang ipinahayag ng militar na handa itong tugisin ng militar ang mga Abu Sayyaf sa lalawigan ng Basilan kahit pa nasa lugar ito ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).


Tiniyak naman kahapon ni acting Defense chief Norberto Gonzales na bibigyan ng aksyon ng pamahalaan ang naganap na karumaldumal na pagpaslang sa mga sundalo.


Kasalukuyang may peace talks ang pamahalaan sa MILF at anumang kaguluhan sa pagitan ng dalawang grupo ay posibleng makadiskaril sa paguusap.


“Hindi natin papayagan na hindi maparusahan yun gumawa ng ganoon,” ani pa ni Gonzales sa pahayag nito sa himpilang dzRH.


Sinabi ni Gonzales na bagamat importante ang peace process sa Mindanao ay dapat isaalang-alang ang batas ng bansa.


Halatang masama ang loob ni Gonzales habang nagbibigay ng pahayag dahil sa nasawing mga marines. Ibinunyag pa nitong miyembro rin siya ng Philippines Marines at isang reservist.


Tila hinamon pa ni Gonzales ang MILF ng sabihin nito sa radyo na: “Eh kung gusto nilang umatras eh di umatras sila (sa peace talks) pero sa ilalim ng batas ay dapat (silang) parusahan.”


Ito ay matapos na sabihin ng dzRH na dahil may peace talks ay hindi maaring ipanakot ito ng rebeldeng grupo.


Sinabi ni Gonzales na hindi lamang ambush ang ginawa ng MILF dahil pinugutan pa ng ulo ang mga sundalo.


“Nasa peace process tayo eh tapos aambusin ninyo ang mga sundalo. At hindi lang simpleng ambush ang ginawa at kita-kita naman ng lahat (sa television videos) ang nagyari at hindi naman natin pedeng payagan iyan,” ani Gonzales. “Hindi natin papayagan na yun mga nagkasala ay hindi paparusahan.”


Unang sinabi ni Philippine Marines chief, Maj. Gen. Nelson Allaga na hindi titigilan ng mga tropa ang grupong nasa likod ng pagpatay sa mga sundalo.

“Definitely, we will pursue the Abu Sayyaf wherever they are,” ani Allaga ng tanungin kung hahabulin ng mga tropa ang mga militante.

Ito rin ang sinabi sa Abante ni Western Mindanao chief Lt. Gen. Eugenio Cedo at hindi titigil ang militar sa pagtugis sa Abu Sayyaf.


Unang ibinintang ng militar sa Abu Sayyaf at MILF ang pagpatay sa sundalo ng Marines. Nais rin ni Cedo na makuha ang mga armas na nasamsam ng [inagsanib na puwersa ng Abu Sayyaf at MILF, kabilang ang limang M60 machine guns at mga automatic rifles.


Sinabi ni Cedo na ang mga sundalong napatay ay bahagi ng mga grupong naghahanap sa dinukot na Italian Catholic priest Giancarlo Bossi na umano’y bihag sa bayan ng Al-Barka. “There is a high probability the kidnapped priest was brought to Basilan,” dagdag pa nito.


Kahapon ay inamin ng AFP na may mga kilos na ang militar sa Basilan at ipinupuwesto na ang mga sundalo upang tugisin ang nasa likod ng pagpatay sa 14 na tropa ng Marines.


“We are pre-positioning troops in the area. It will be more of punitive actions. We will be running after the perpetrators,” ani Bacarro.


Sa harap nito, sinabi ni Bacarro na titiyakin naman ng militar ang kaligtasan ni Bossi sakaling nasa Basilan nga ito itinatago ng mga dumukot sa kanya. (Juley Reyes at Juan Magtanggol)

Advertisements

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: