Militarisasyon Sa Basilan, Sulu Binatikos!

August 14, 2007 at 9:54 pm | Posted in Uncategorized | Leave a comment

BASILAN (Mindanao Examiner / 14 Aug) – Binatikos ngayon ng militanteng Liga ng Kabataang Moro ang umano’y militarisasyon sa lalawigan ng Basilan at Sulu na kung saan ay libo-libong mga sundalo ang ipinadala ng pamahalaan.

Mahigit sa isang libong pamilyang Muslim na rin ang nagsilikas sa kanilang mga lugar sa takot na madamay sa isasagawang opensiba ng militar kontra sa Abu Sayyaf na sinasabing nasa likod ng pagpaslang sa 26 na sundalo sa Sulu nitong buwan lamang at 14 naman sa Basilan nuong nakalipas na buwan.

Ang dalawang lalawigan rin ang umano’y naging sentro ng pandaraya nuong nakaraang halalan na kung saan ay nagwagi ang mga kandidato ng pamahalaan sa Senado.

“Di kailanman mapagtatakpan ng Administrasyong Arroyo ang ginawa nitong pagmanipula sa nakaraang eleksyon upang maipanalo ng Team Unity at mga kaalyado ng Malakanyang ang eleksyon,” ani Marlon Baning, tagapagsalita ng Liga ng Kabataang Moro sa Zamboanga, Sulu, Basilan at Tawi-Tawi.

“Ang pandaraya at panlilinlang ay kakambal na ng bawat rehimen upang papanalunin ang mga kasabwat nitong mga papet na mambabatas at pulitiko at ito ay malinaw na sa administrasyon ni GMA. Dahil dito’y nakakayang pagtakpan ng administrasyon ang totoong suliranin ng sambayanan at tuluyang iligaw ang kaisipan ng masang Pilipino,“ dagdag pa nito.

Sa Basilan ay tinutugis ng mga awtoridad ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front na siyang itinuturo sa pagpatay sa 14 na Marines nuong July 10.

Sinampahan ng kasong murder ng pulisya ang halos 130 katao na halos ay pawang mga rebelodeng MILF at Abu Sayyaf. Ngunit nangangamba ang Commission on Human Rights na marami sa mga sinampahan ng kaso ay inosente.

“Ang mga suliranin ng mamamayang Pilipino lalo na ang basic services, ang siyang pangunahing naaapektuhan dahil sa pagbabawas ng budget sa mga ito at ang kaukulang karagdagan dito ay napupunta sa military at upang kalimutan ng mamamayan ang isyu tungkol sa Mapanupil at di makataong batas na Human Security Act.”

“Sa bawat krisis na kinaharap ng Rehimeng Arroyo, hindi niya isinaalang-alang ang kapakanan ng mamamayan at dagdag pa rito ang panunupil sa karapatang-pantao ng marami sa 130 na kasama sa arrest warrants,” ani pa ni Baning.

Sinabi ni Baning na lubhang naaapektuhan ang mga mamamayan sa Basilan sa napipintong pagbabalik ng militar sa lalawigan.

Itinanggi naman ng militar ang akusasyon ng Liga ng Kabataang Moro at sinabing ang opensiba ay nakatuon sa mga terorista tulad ng Abu Sayyaf at maging ang isyu ng pandaraya sa nakaraang halalan ay mariing pinasinungalingan rin ng mga awtoridad. (Mindanao Examiner)

Advertisements

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: