OPINION

October 3, 2007 at 8:58 am | Posted in 1 | Leave a comment

BANTAY GOBYERNO by Ike Señeres

BAKIT TUMAAS ANG PRESYO NG KURYENTE?”

BANTAY GOBYERNO: Presyo ng kuryente tumaas na naman. Ano ginagawa ng mga kinatawan ng gobyerno sa Meralco? PLS PASS.

Tuwing tumataas ang presyo ng kuryente, bakit wala tayong naririnig sa mga kinatawan ng gobyerno sa Meralco? Ano ang ginagawa nila?

Sila ba ay kinatawan ng mga tao o kinatawan sila ng mga Lopez?

Dapat man lang, marinig natin kung ano ang kanilang ginawa upang tutulan ang pagtaas. Sila ba ay basta basta na lang na sumang-ayon? Hindi man lang ba nila nilabanan ang pagtaas?

Magkano ang dahilan?

Bakit bigla na lang tumaas ang presyo ng kuryente na wala man lang tayong naririnig? Wala ba itong mga hearing na maaari nating salihan?

Kung hindi kaya ng mga kinatawan ng gobyerno na ipagtanggol ang ating interest sa board ng Meralco, seguro dapat na silang palitan!

Madalas sabihin ng gobyerno na hinahanda na nila ang mga alternative sources of energy, ngunit kailan pa natin matitikman ito sa pamamagitan ng pagbaba ng presyo ng kuryente?

Hindi ba alam ng ating gobyerno na pinakamahal ang presyo ng kuryente dito sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa? Dedma lang ba sila sa katotohanang ito at wala silang ginagawa?

Dahil sa taas ng presyo ng kuryente, maraming mga investor ang umaatras sa Pilipinas, kaya nawawalan din tayo ng maraming trabaho.

Kailan pa kaya magmumura ang kuryente upang magamit na natin ito sa pagluto ng pagkain? Kaya kaya palitan ng kuryente ang LPG?

Kung may matanggap ka BANTAY GOBYERNO text PLS PASS. Gusto mo ID ng BANTAY GOBYERNO? Email ike@kaiking.net or text ka sa 09196466323.Unit 324, Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, EDSA, Makati. Abangan ang BANTAY GOBYERNO sa radio.

Advertisements

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: