Patayan Sa Davao City, Walang Humpay

October 21, 2007 at 3:30 pm | Posted in 1 | Leave a comment

DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Oct. 21, 2007) – Isang Chinese businessman ang pinatay sa lungsod ng Davao City sa Mindanao at posibleng sabit ang grupong Davao Death Squad (DDS) sa krimen.

Sinabi ngayon araw ng pulisya na binaril sa ulo sa dayuhan na tubong lalawigan ng Fujian sa China.

Hindi pa mabatid ang motibo sa pagpatay, ngunit sinabi ng pulisya na walang kinalaman ang hold-up sa krimen dahil nabawi pa sa bangkay ang kanyang cell phone, alahas at wallet.

Hindi naman agad ibinigay ng pulisya ang pangalan ng biktima at ipababatid poa umano ito sa Chinese Embassy. Tinatayang nasa 40 taong gulang ang biktima at may negosyo umano sa Davao.

Malaki naman anhg hinala ng iba na ang DDS ang nasa likod ng pamamaslang dahil marami na itong napatay at pinaniniwalaang private goons sa lungsod.

Talamak ang patayan sa Davao at mistulang inutil naman ang mga awtoridad sa kadahilanang ni isang miyembro ng DDS ay walang nadarakip dito.

Daan-daan mga katao na ang napatay ng DDS s amga nakalipas na taon at karamihan sa mga itinumba nito ay mga umano’y kriminal o kaya ay may mga records sa pulisya. (Mindanao Examiner)

Advertisements

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: