Turismo Ng Sulu, Isinusulong!

January 6, 2008 at 3:58 pm | Posted in 1 | Leave a comment
SULU (Mindanao Examiner / Jan. 06, 2008) – Sisimulan na umano ng Sulu ang promosyon nito sa turismo upang maisulong ang programang “Visit Sulu 2008”.

Layunin umano ng pamahalaang panlalawigan na ipakita ang magagandang tanawin sa Sulu at ibat-ibang kinaugalian.
Bukod sa mga magagandang tanawin ay ipinagmamalaki rin ng mga Tausug ang masasarap nitong mga pagkain at kakanin na talagang kilala sa katimugan dahil sa likas na pagka-maanghang ng bawat lutuin.
“We would like to invite everybody to come and visit Sulu and enjoy our traditional hospitality, nice places and good food, aside from our wealth of cultural heritage,” ani pa ni Gov. Sakur Tan sa pahayagang Mindanao Examiner.
Sinabi nitong bahagi ng programang “Wow Sulu” ang “Visit Sulu 2008”. “Maganda talaga an gaming lalawigan kung kaya’t nais naming na i-promote ang Sulu bilang isa sa mga lugar na likas ang yaman sa kagandahan.
Maging ang militar ay abala na rin sa pagsuporta sa turismo ng Sulu at katunayan ay may inilunsad itong eco-tourism program sa lalawigan at ang Mt. Daho ang isa sa mga bundok na talagang inalagaan ng husto ng mga sundalo.
Pinagbawal na rin doon ang pagputol ng kahoy at isang mountain trek ang itinayo na kung saan ay makikita ang ibat-ibang bayan mula sa pinakamataas na bahagi nito.
“That’s true and we hope this eco-tourism campaign will attract tourists, both local and foreigners, and also mountain trekkers,” wika naman ni Brig. Gen. Ruperto Pabustan ng Philippine Army.
Sinabi pa ni Tan na dalawang airliners – ang Asian Spirit at Sea Air – ang siyang bumibiyahe araw-araw sa Sulu mula Zamboanga, bukod pa ang maraming mga ferries.
Mayaman sa mga prutas ang Sulu at natural resources, partikular ang mga marine products na tinatangkilik ng husto sa ibat-ibang bansa, tulad ng Hong Kong at Japan. (May ulat ni Nickee Butlangan at Ely Dumaboc)

Advertisements

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: