Anti-US Rally, Nagbabanta Sa Mindanao

February 3, 2008 at 5:56 pm | Posted in 1 | Leave a comment
SULU (Mindanao Examiner / Feb. 03, 2008) – Habang papalapit ang joint RP-US Balikatan sa Mindanao at Sulu ay palakas ng palakas naman ang sigaw ng mga ibat-ibang militanteng grupo sa pagprotesta sa patuloy na pamamalagi ng mga Kanong sundalo sa rehiyon.

Inaasahang magsisimula ang Balikatan sa Pebrero 18 sa lalawigan ng Sulu, Tawi-Tawi, Basilan at Lanao, na pawang mga lugar ng mga Muslim. Sinabi ng Suara Bangsamoro na nakaumang na ang malawakang protesta ng grupo na sasamahan rin ng Consortium of Bangsamoro Civil Society at iba pa.

Mahigit sa 6,000 mga sundalo mula sa Estados Unidos at Pilipinas ang inaasahang sasabak sa Balikatan, ngunit iginigiit naman ng lokal na militar na pawang mga humanitarian at medical mission lamang ang isasagawa sa Mindanao at Sulu Archipelago at ang military training ay sa Luzon idaraos.

“Wala naman problema ang Balikatan eh. Pulos medical mission at humanitarian activities lamang ang isasagawa natin sa Mindanao at Sulu,” ani Lt. Gen. Nelson Allaga, hepe ng Western Mindanao Command, sa panayam ng Mindanao Examiner.

Subalit lumalakas ang reklamo ng kabastusan at human rights violations ng mga Kano sa mga lugar na kung saan sila naka-base.

Sa Sulu ay ipinasara ng mga aroganteng Kano ang isang pagamutan sa bayan ng Panamao sa tuwing sasapit and dilim. Sa Zamboanga City ay isang lalaki na sakay ng kanyang motorsiklo ang binangga ng isang sundalong Kano na matapos ng insidente ay iniwanan lamang nito ng isang card ang biktima at iniwang dugaan sa kalsada nuong nakaraang lingo lamang.

Sa Basilan ay may nabaril diumano ang mga Kano at hindi lamang ito ang una dahil sa Zamboanga City ay isang binatilyo rin ang ginawang target ng mga Kano habang namumulot iyo ng kahoy di-kalayuan sa isang firing range.

Matindi na umano ang galit ng mga Muslim sa mga Kano at ayaw ng karamihan na manatili ang mga ito sa Mindanao at Sulu, subali’t napipilitan na lamang dahil sa mga humanitarian at medical mission na isinagawa ng Armed Forces katuwang ang mga dayuhan.

Kapit sa patilim ang nangyayari sa mga kaawa-awang mga Muslim dahil sa hindi naman maibigay ng pamahalaan ang mga bagay na ito sa kanilang komunidad sa kabila ng matinding bigayan ng salapi ng Malakanyang sa mga kaalyadong pulitiko ng Pangulong Gloria Arroyo sa tuwing mga mga isyu ukol sa lider ng bansa. (May ambag na ulat si Nickee Butlangan)
Advertisements

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: