Kemikal Leak Sa Zambo

February 3, 2008 at 3:00 pm | Posted in 1 | Leave a comment
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Feb. 03, 2008) – Ilang residente sa isang maliit na barangay sa Zamboanga City ang umano’y nahilo at ang iba ay nagsuka matapos na makaamoy ng kemikal na tulad sa ammonia.

Hindi pa mabatid kung saan nagmula ang masansang hangin na unang napuna kamakalawa ng gabi sa Barangay Mampang. Ngunit isang pabrika na gumagawa ng frozen seafood ang nasa lugar at hindi pa mabatid kung sa kanila galing ang masamang amoy.

Ayon sa ibang ulat ay ilang matatandang residente rin ang isinugod sa pagamutan nuong Sabado dahil sa hirap sa paghinga. Subali’t hindi pa masabi ng pulisya o ng mga barangay officials kung may kinalaman ba ito sa masamang amoy sa naturang lugar.

Ilang mga planta ng seafood at seaweeds ang kalat sa Zamboanga City, bukod pa rito ang maraming mga bularan o gawaan ng tuyo at daing, gayun rin ng mga bagoong na ilang ulit na rin inireklamo dahil sa masamang amoy sa mga lugar na kung saan ang mga ito naroon. Gayun rin ang maraming mga tuna at sardine canning factories na bumuga ng malansang amoy sa kapaligiran. (Mindanao Examiner)

Advertisements

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: