Jun Lozada, Off-Limits Sa ARMM Campus

March 9, 2008 at 3:16 pm | Posted in 1 | Leave a comment

MAGUINDANAO (Mindanao Examiner / Mar. 09, 2008) – Umani ng kaliwa’t-kanang batikos mula sa mga estudyante at militanteng grupo ang Department of Education sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) matapos diumano’y ipag-utos nito ang pagbabawal kay NBN-ZTE scandal whistle blower Jun Lozada na magsalita sa mga campus.

Limang lalawigan ang sakop ng ARMM at kasalukuyang nasa campus tour si Lozada sa Mindanao, ngunit pinangunahan na ng DepEd-ARMM ito. Bawal na umano na magsalita sa mga estudyante si Lozada, particular sa isyu ng NBN-ZTE deal na tadtad ng eskandalo bunsod ng mga alegasyong overpriced ito ng $130 milyon.

Galing umano ang kautusan sa pamunuan ng DepEd-ARMM. Naunang ipinag-bawal ni Education Secy. Jesli Lapuz si Lozada na mag-ikot sa mga campus sa Maynila ngunit matapos na umani ito ng maraming batikos ay pinasinungalingang may nasabing kautusan.

Takot umano ang Malakanyang sa malaking simpatiya na nakukuha ni Lozada mula sa mga paaralan at sa maainit na pagtanggap sa kanya ng mga estudyante sa Metro-Manila.

Maging sa ibang bahagi ng Mindanao ay malaki rin ang suporta ni Lozada mula sa mga estudyante. Hindi naman mabatid kung itutuloy pa ni Lozada ang planong pagiikot sa mga campus sa ARMM, na kilalang balwarte ng mag-amang Maguindanao Gov. Andal Ampatuan at ARMM Gov. Zaldy Ampatuan na parehong mga loyalista ni Pangulong Gloria Arroyo.

Ang ARMM rin ang isa sa mga lugar na diumano’y talamak ang pandaraya, pananakot at vote-buying nuong nakaraang Presidential elections. (Mindanao Examiner)

Advertisements

Leave a Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: