Sulu Police Force, Sasanayin Ng Mga Kano

March 23, 2008 at 2:24 pm | Posted in 1 | 1 Comment
SULU (Mindanao Examiner / Mar. 23, 2008) – Magandang balita ang naghihintay sa pulisya sa Sulu matapos na ibunyag ni Gov. Sakur Tan na ito’y makikipagpulong sa mga sundalong Kano sa lalawigan upang mabigyan ng sapat na training ang mga parak.

Nais ni Tan na mapakinabangan ng pulisya ang anumang makukuhang kaalaman sa mga Kano, partikular sa larangan ng pakikibaka sa terorismo. Kabilang sa mga nais ni Tan na matutunan ng pulisya ay ang bomb detection, marksmanship training, medical training at iba pa.
Tinatayang daan-daan mga sundalong Kano ang nasa Sulu pa rin mula pa nuong 2006 ng magkaroon ng joint RP-US military training doon.
“Pupulungin ko ang mga opisyal ng US military o ng Joint Special Operation Task Force-Philippines upang maturuan o mabigyan ng sapat na pagsasanay ang mga pulis natin sa Sulu,” ani Tan. “Kailangan natin na mabigyan ng wastong pagsasanay ang pulisya natin upang maging mas epektibo sa kanilang ginagampanang tungkulin.”
Sa Martes umano pupulungin ni Tan ang mga sundalong Kano, na hanggang ngayon ay tumutulong pa rin sa operasyon ng Armed Forces of the Philippines kontra terorismo sa Sulu. (Mindanao Examiner)

Advertisements

1 Comment »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

  1. Tags to Sulu Police Force, Sasanayin Ng Mga Kano…

    Tags: to SULU (Mindanao Examiner / Mar. 23, 2008) – Magandang balita ang naghihintay sa pulisya sa Sulu matapos na ibunyag ni Gov … matutunan ng pulisya ay ang bomb detection, marksmanship training, medical training at iba pa…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: